Isang alamat:
Isa kang pamilyado at may hinire kang kasambahay. Tapos sa simula, parang ok sya, maayos ang trabaho, nagagawa lahat at minsan sobra-sobra pa.
Tapos later nalaman mo na kinukupit pala nya yung iba nyong gamit sa bahay at sinasangla. Tapos sinasaktan nya ung mga anak mo pag umangal at nagsabing magsusumbong.
Tapos nalaman mo pa na ang haba na pala ng listahan ng utang mo sa tindahan kasi yung binibigay mo sa kanya na pambili binubulsa lang nya at pinapalista lamang ang mga bilihin.
Anong gagawin mo, syempre patatalsikin mo na yang kriminal na yan diba? Sabay kakasuhan mo pa sa korte para maisauli sayo yung ninakaw sa yo at sana’y makulong pa!
E biglang namatay, hindi na tuloy umasenso yung kaso at hindi mo na mapagbayad. Tapos eto yung anak ng kasambahay, pupunta-punta sa bahay nyo, hihingi ng abuloy para pambayad sa libing. Gusto pa magara yung libing, dun sa mamahaling sementeryo na prestigious. May banda pa at parade.
Aba, ano sya, siniswerte! Di ba parang ang kapal ng mukha. Nung pinagsabihan mo, hiniritan ka pa nung anak:
“Bakit po ba hindi kayo makapag-move on? Patay na nga po si nanay sana respetuhin nyo na lang. Madami naman po syang nagawang mabuti para sa inyo diba? Pinagluto nya kayo at pinamalengke at pinagsilbihan? Kung galit po kayo sa kanya bakit naglalakad pa rin kayo dyan sa sahig nyo, di ba sya ang naglinis nyan at nagtawag ng taga-ayos nung nasira yan? Bakit nakatayo pa rin yang Christmas tree nyo e diba si nanay ang nagdecorate nyan? Bakit hindi nyo na lang sya patawarin para magkaron na ng healing?”
Moral of this story is left as homework for the readers
Walang masama sa maayos na pagtalakay ng mga pangyayari sa ating bansa, bakit naman ito mamasamain? (Iiwanan ko na yung thinly-veiled allegory, since nabanggit na ang LNMB) Sa aking palagay, ang paglibing ng dating pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay taliwas sa ispirito ng batas na nagtaguyod sa LNMB. Ayon sa republic act 289: "To perpetuate the memory of all the Presidents of the Philippines, national heroes and patriots for the inspiration and emulation of this generation and of generations still unborn, there shall be constructed a National Pantheon which shall be the burial place of their mortal remains." Yung parte na "for the inspiration and emulation of this generation and of generations still unborn" ang pinakamahirap na iugnay sa dating pangulong Marcos. Bagamat naglabas ng ruling ang ating Korte Suprema na hindi illegal ang utos ng ating kasalukuyang pangulo na ituloy ang libing, alam naman natin mula sa kasaysayan na ang isang bagay na legal ay hindi parating tama (See: Slavery, racism, apartheid, holocaust, etc). Maaring simpleng pangalan lang ng sementeryo ang "Libingan ng mga Bayani", na para sa mga matatalinong kagaya natin ay alam natin na hindi nito ibig sabihin na lahat ng nakalibing dyan ay bayani, alam ng pamilya Marcos ang simbolismo ng paglibing dito ay magkakaron ng malaking epekto sa paghugas kamay ng kanilang pamilya sa mga krimen at abuso na nangyari nuong panahon ng dating pangulong Marcos. Mayroon akong mas mahabang pagtalakay sa paksang ito sa isang nakaraang post (Pero English na ha): https://www.facebook.com/stephen.roy.tang/posts/1015510415085891 2 Re: yung mga kasong criminal, sa aking pagkakaalam meron namang mga kaso na finile, pero dahil (alam naman natin lahat na) mabagal ang proceso ng hustisya sa ating bayan (isang sa pinakamalaki nating problem hanggang sa kasalukuyang panahon) at ang pagnanais ng pangulong Cory Aquino na bigyan ng due process ang Marcoses at mga cronies, inabot ng madaming taon ang PCGG sa kanilang mga imbestigasyon. Isa talaga ito sa malaking pagkukulang ng mga sumunod na administration pagkatapos ang EDSA revolution.
mga kaibigan, isa po ito sa mga videos na nakita ko, dahilan upang mabuo sa aking isipan na hindi talaga naghain ng kasong kriminal noong buhay pa si Marcos - isang patunay ang nais ni Marcos na umuwi upang makadalo sa libing ng kanyang ina subalit ipinagkait ito sa kanya ni Cory Aquino: https://www.facebook.com/526965450801338/videos/696792100485338/