Roy Tang

Programmer, engineer, scientist, critic, gamer, dreamer, and kid-at-heart.

Blog Notes Photos Links Archives About

Nung bata kami, si Ninang Flor ang kasama namin sa bahay pag wala pa sina Mama at Papa, siya ang kunsintidor sa mga kalokohan naming mga bata sa bahay. Parati nya kaming pinapautang sa tindahan kaya marami parati kaming snacks. Pag summer tinulungan nya kami magbenta ng ice candy sa tindahan, and binibigyan nya ko dati ng P5 para magpickup ng yelo sa Mejia’s. Siya ang dahilan bakit nagbabasa kami linggo-linggo ng Funny Komiks, tapos nailagay pa nya ang pictures namin sa mga cover nito. Siya ang kasama namin ni Kerwin manuod ng Superstars of Wrestling sa IBC 13 pag gabi, dun sa maliit na black and white TV sa tindahan. Fan siya ni Hulk Hogan at ni Randy Savage. Dahil sa kanya, nakikilala namin mga kapitbahay dun sa Kamias at dinalaw pa kami ni Dennis Roldan nung tumatakbong congressman (lol future kidnapper!) She was always a very humble and caring soul. Paalam Ninang Flor, sana mapayapa ka na kung nasaan ka

Posted by under notes at
Also on: facebook / 4

Comments

Aww, so sweet! Condolences, hunter
Kahit ako, nasa back cover ng Funny Comics dahil sa kaniya. :')
your ninang sounded epic. my sympathies.
Namiss ko yung pagnasa Kamias kami, unang pupuntahan ko yung tindahan at bibigyan nya ko ng chocnut at candy.